Consular Services ng Linggo, 24 Oras na Pag-proseso ng Pasaporte Ipinatupad ng Embahada
Oct 19th, 2007 | By admin | Category: Announcements, NewsMalugod na ibinabalita ng Embahada na maaari nang maproseso sa loob ng isang araw o 24 oras ang mga pasaporte na pinapa-renew. Ang mabilis na paglabas ng bagong pasaporte ay isang sa mga adhikain ng Embahada sa ilalim ni Ambassador Rigoberto D. Tiglao na ang hangarin ay mabigyan ng mabuting serbisyo ang mga Pilipino sa Gresya.
Isa pang magandang balita: Ang Consular Section ng Embahada ay bukas mula 10:00 A.M. hanggang 2:00 P.M. tuwing pangalawang Linggo ng buwan upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na hindi makapunta sa Embahada mula Lunes hanggang Biyernes dahilan sa mga trabaho nila. Sa mga araw na ito, maaring mag-renew ng pasaporte o mag-apply ng affidavit, Special Power of Attorney (SPA), birth report, at iba pang mahahalagang dokumento.
Ang mga linggong ito na bukas ang Consular Section ng Embahada sa Athens ay ang mga sumusunod:
11 November 2007
09 December 2007
13 January 2008
10 February 2008
09 March 2008
13 April 2008
11 May 2008
Kung kayo po ay may katanungan tungkol sa inyong pasaporte at iba pang dokumento o kung may nais kayong iparating tungkol sa serbisyo ng Embahada, maari lamang pong tumawag sa telepono bilang (210) 6721837 local 112 at 116 or mag-email sa info@athenspe.net.This e-mail address is being protected from spam bots, you need JavaScript enabled to view it
Inaanyayahan din naming kayong bisitahin ang official website ng Embahada:www.athenspe.net, na kung saan ay makukuha (download) ang mga application forms para sa passport renewal at iba pang mga consular services.

Thank you so much, been looking everywhere for this!